Si Cactus at si SkyDiver

Isa na namang usapang quote ang nalaman ko. Tungkol pa rin sa dalawang tao. Hindi tulad nung nauna kong nai-post, na hindi sila nagkausap, itong isang ito, nagkausap sila pero palaliman ng salita. Ewan ko kung paano sila nagkaintindihan, at ewan ko din kung nagkaintindihan nga sila.

Lalaki: “Kung mahuhulog ako, at ang pagbabagsakan ko ay may kasamang tinik, iindahin ko ang sakit na tutusok sa’kin basta handa lang niya akong sambutin.”

Babae: “Kung masasaktan ka lang sa pagbagsak mo dun sa may tinik na ‘yun, bakit hindi ka na lang humanap ng ibang pagbabagsakan na walang tinik?”

Lalaki: “Kung ikaw ba? Saan mo mas gugustuhing bumagsak? Sa alam mo ngang may tinik at masasaktan ka pero doon ka naman masaya? O doon sa may mababango at magagandang bulaklak, na hindi ka nga masasaktan sa pagbasak, pero may allergy ka pala sa amoy ng mga ‘yun?”

Babae: Eh paano naman nasangkot ang bulaklak dito?

Lalaki: Cactus kasi ‘yung may tinik eh, hehehe.

Babae: “Hanggang kailan mo kayang humawak? Hanggang kailan mo kayang bumitin? Kailan ka babagsak?”

Lalaki: “Kahit isang daliri ko na lang ang nakahawak, hindi pa rin ako bibitaw, hangga’t hindi pa handa ang babagsakan ko, para sambutin ako.”

Babae: Paano kung mangawit ka?

Lalaki: “Kung mangangawit ako, at hindi pa siya handa para sumambot, ibabalik ko ang apat kong daliri para kumapit ng mahigpit, at kung hindi pa rin kakayanin, may isa pa akong kamay. Kakapit at maghihintay.”

Sandaling naputol ang usapan… at hindi yata nakayanan nung lalaki ‘yung damdamin niya. Hahaha. Hindi siya nakatiis at sinabing…

Lalaki: “Ikaw ang CACTUS ko!!!”

Sumagot naman itong si babae ng…

Babae:SKY DIVER!

Ganyan din ba kayo kabaliw? Unliquote ng utak ng dalawang ‘yun ah, kung anu-ano ang pinagsasasabi. Hindi ba pwedeng mag-usap ng diretso? At kelangan pa bang daanin sa ganung usapan para lang masabi kung ano ‘yung nararamdaman? Ewan ko, hindi ko din alam. Kung ganyan ka din, pareho ang mga wavelength ng utak ninyo! Hahaha.

Advertisements

7 responses to “Si Cactus at si SkyDiver

  1. kung ganyan ako ka mushy malaman nabatukan na ako ng irog ko.

  2. ahaha… alam mo bang true story yan?

  3. sino kaya ito? pero sa dating ng mga post parang madali hulaan hehehe…

  4. Hmm… madali ba hulaan? clue naman jan… ndi ko mahulaan eh…

  5. isa lang ang masasabi ko… TOINKS! hahaha

  6. haha andito pala ito hahaha…. ok wala lang XD

  7. ayus ah! nakiliti ang buhok ng wetpaks ko hehhe elinks tayo pede?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s