Diary-Yah!

Nabasa ko sa mula sa isang blog ng nag-iisang tanggero, ang Batanggero, ang isang kwento ng dalawang tao. Ang problema talaga, tao mismo ang gumagawa. Iniisip nila ang negatibo tapos sila ang problemado/problemada. Basahin ninyo na lang ang kwento ng dalawang taong ‘yun.

Girl’s Diary:
Nakasalubong ko sa hallway ang hinahangaan kong lalaki. Nabangga niya ang siko ko. Tiningnan ko siya, pero hindi siya tumingin sa akin. Nangangarap lang ako at umaasa na titingnan din niya ako. Pero bakit at paano nga ba naman magugustuhan ng isang magaling na basketball player ng campus ang isang babaeng tinatawag nilang nerd.

Boy’s Diary:
Nakasalubong ko ang nag-iisang babaeng gusto ko sa hallway. Aksidenteng nagkabanggaan ang mga siko namin. Hindi ako tumingin sa likod dahil alam kong hindi din naman siya lilingon. Paano nga naman magagawang magustuhan o masulyapan man lang ng isang sikat na babae dahil sa katalinuhan sa buong campus ang isang manlalaro ng basketbol na ang hawak lang ay bola.

Nakarelate ka ba? Kung ganyan ka din, ibig sabihin lang, isa ka ding negatibong tao. Pero ‘wag mag-alala, kaya nga ito ikinakalat para kahit papaano, mabawasan ang mga negatibo sa mundo.

Advertisements

4 responses to “Diary-Yah!

  1. hahaha.dun ka kay kosa magpahula. bagong bago ah. sinu ka nga ba? wala ka pang chatbox kaya dito nako nagparamdam

  2. hahaha rawwrrr nandito na naman XD.

    lagay mo ako sa links madaya ka hahaha.

  3. ahaha… cenxa yummy… baka mahalata kung ilagay ko agad eh… ang nilalagay ko muna.. ung mga pumasok.. sila ang nilalagay ko sa blogroll.. ahaha…

    cge lagay ko n kaung dalawa ni bagito…

  4. kapeko.. anong moral lesson ng story?? weeee.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s