Si Cactus at si SkyDiver

Isa na namang usapang quote ang nalaman ko. Tungkol pa rin sa dalawang tao. Hindi tulad nung nauna kong nai-post, na hindi sila nagkausap, itong isang ito, nagkausap sila pero palaliman ng salita. Ewan ko kung paano sila nagkaintindihan, at ewan ko din kung nagkaintindihan nga sila.

Lalaki: “Kung mahuhulog ako, at ang pagbabagsakan ko ay may kasamang tinik, iindahin ko ang sakit na tutusok sa’kin basta handa lang niya akong sambutin.”

Babae: “Kung masasaktan ka lang sa pagbagsak mo dun sa may tinik na ‘yun, bakit hindi ka na lang humanap ng ibang pagbabagsakan na walang tinik?”

Lalaki: “Kung ikaw ba? Saan mo mas gugustuhing bumagsak? Sa alam mo ngang may tinik at masasaktan ka pero doon ka naman masaya? O doon sa may mababango at magagandang bulaklak, na hindi ka nga masasaktan sa pagbasak, pero may allergy ka pala sa amoy ng mga ‘yun?”

Babae: Eh paano naman nasangkot ang bulaklak dito?

Lalaki: Cactus kasi ‘yung may tinik eh, hehehe.

Babae: “Hanggang kailan mo kayang humawak? Hanggang kailan mo kayang bumitin? Kailan ka babagsak?”

Lalaki: “Kahit isang daliri ko na lang ang nakahawak, hindi pa rin ako bibitaw, hangga’t hindi pa handa ang babagsakan ko, para sambutin ako.”

Babae: Paano kung mangawit ka?

Lalaki: “Kung mangangawit ako, at hindi pa siya handa para sumambot, ibabalik ko ang apat kong daliri para kumapit ng mahigpit, at kung hindi pa rin kakayanin, may isa pa akong kamay. Kakapit at maghihintay.”

Sandaling naputol ang usapan… at hindi yata nakayanan nung lalaki ‘yung damdamin niya. Hahaha. Hindi siya nakatiis at sinabing…

Lalaki: “Ikaw ang CACTUS ko!!!”

Sumagot naman itong si babae ng…

Babae:SKY DIVER!

Ganyan din ba kayo kabaliw? Unliquote ng utak ng dalawang ‘yun ah, kung anu-ano ang pinagsasasabi. Hindi ba pwedeng mag-usap ng diretso? At kelangan pa bang daanin sa ganung usapan para lang masabi kung ano ‘yung nararamdaman? Ewan ko, hindi ko din alam. Kung ganyan ka din, pareho ang mga wavelength ng utak ninyo! Hahaha.

Advertisements

Diary-Yah!

Nabasa ko sa mula sa isang blog ng nag-iisang tanggero, ang Batanggero, ang isang kwento ng dalawang tao. Ang problema talaga, tao mismo ang gumagawa. Iniisip nila ang negatibo tapos sila ang problemado/problemada. Basahin ninyo na lang ang kwento ng dalawang taong ‘yun.

Girl’s Diary:
Nakasalubong ko sa hallway ang hinahangaan kong lalaki. Nabangga niya ang siko ko. Tiningnan ko siya, pero hindi siya tumingin sa akin. Nangangarap lang ako at umaasa na titingnan din niya ako. Pero bakit at paano nga ba naman magugustuhan ng isang magaling na basketball player ng campus ang isang babaeng tinatawag nilang nerd.

Boy’s Diary:
Nakasalubong ko ang nag-iisang babaeng gusto ko sa hallway. Aksidenteng nagkabanggaan ang mga siko namin. Hindi ako tumingin sa likod dahil alam kong hindi din naman siya lilingon. Paano nga naman magagawang magustuhan o masulyapan man lang ng isang sikat na babae dahil sa katalinuhan sa buong campus ang isang manlalaro ng basketbol na ang hawak lang ay bola.

Nakarelate ka ba? Kung ganyan ka din, ibig sabihin lang, isa ka ding negatibong tao. Pero ‘wag mag-alala, kaya nga ito ikinakalat para kahit papaano, mabawasan ang mga negatibo sa mundo.

Welcome!

Dahil ito ang unang post ko, kelangan ko ng pag-welcome mula sa inyo. I-welcome niyo ako sa masayang mundo ng blog. Kagaya na lang ng isang larawang nakunan namin kani-kanina lang.

Welcome

Akala ko ay nasa airport kami nung mabasa ko ‘yan. Nasa tapat pala kami ng Ukay-ukay. Nabasa ko kasi na may pangalan sa ibaba ng pag-welcome nila. Sila ba ‘yung bagong dating?